Katahimikan daw ang hiling ng siklista na makikita sa viral video na road rage incident kung kaya hindi na nagsampa pa ng kaso sa retiradong pulis na si Wilfredo Gonzales.

Sa panayam ng Brigada NewsFM kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief PIO PLTCOL Eunice Salas, sinabi nito na mismong ang pamunuan na ng Quezon City Police District (QCPD) ang gumawa ng inisyatiba laban kay Gonzales.
Una rito, tiniyak ng biktima na walang nangyaring pananakot, walang involved na pera dahil hindi mabaybayaran ang stress na dinulot sa kanya at kayang pamilya dahil sa insidente at nakapag-usap na rin sila ng maayos ng sangkot na Pulis.
Samantala, umaasa pa si Atty. Raymund Fortun na magbabago pa ang isip ng kinasahang siklista habang natuntun na ng QCPD ang may-ari ng video at nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon hingil dito.