NCR wage board, pinagsama-sama lahat ng salary hike requests para sa NCR

Inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na kinonsolidate ng National Capital Region’s Tripartite Wages and Productivity Board ang tatlong petisyon na humihiling para sa salary hike, matapos ibasura ang petisyon para sa itaas ang minimum wage sa P1,007 ng Trade Union Congress of the Philippines

Ayon kay DOLE-NCR regional director Sarah Buena Mirasol, napagdesisyunan ng RTWPB na i-consolidate ang tatlong petisyon na itaas sa P213 hanggang P250 ang daily minimum wage para sa mga manggagawa sa Metro Manila.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Sinabi ng DOLE na hindi denesisyunan ng board ang petisyon para sa across-the-board wage adjustment na P470 bawat araw na inihain noong March 14 ng TUCP, dahil ang across the board increase ay hindi pasok sa hurisdiksyon ng wage board o otorisado ng R.A. 6727.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Paliwanag ng ahensya, ang kanilang mandato ay limitado lang sa minimum wage fixing at determination sa rehiyon.

Ang Republic Act 6727 ay ang batas na bumuo sa wage boards para ayusin ang minimum wages sa regional level.