Mahigit limang libo wala pang 2nd dose ng Sputnik V base sa datos ng Ppc-Covac

Lumalabas sa record ng Puerto Princesa City COVID-19 Vaccination Council (PPC-COVAC) na 5,396 ang nabigyan ng 1st dose ng Gamaleya Sputnik V subalit 291 pa lamang ang nabibigyan ng 2nd dose. Ibigsabihin, 5,105 ang hindi pa nabibigyan ng 2nd dose nito sa Lungsod ng Puerto Princesa.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Aminado rin ang PPC-COVAC Chairman na si Dr. Ric Panganiban na hindi nila alam kung kilan ang dating ng Sputnik V at hinihintay pa rin nila ang advice mula sa National Government.

Dagdag pa ni Dr. Panganiban, sinasabi umano na puwede namang ibigay ang 2nd dose ng naturang bakuna 3 buwan hanggang 6 na buwan ang nakalipas ng kanilang 1st dose.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Samantala sa ngayon ay wala pa ring lumalampas sa 3 hanggang 6 na buwan sa mga dapat mabakunahan ng 2nd dose at antabayanan na lamang umano ang anunsyo ng PPC-COVAC.