NCR nasa moderate risk na lang ng COVID-19 – OCTA research

Inihayag ng OCTA Research group na nasa moderate risk na lang ang banta ng COVID-19 sa National Capital Region.

Ito ay matapos maitala ng grupo ang 22.34 daily attack rate ng naturang sakit.

Read More:  P1.36 billion shabu shipment from Laos seized at Manila port

Ayon sa Octa bumaba sa 28% o katumbas ng 3,120 7-day average ng bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa NCR.

Nasa 0.81 nalang din umano ang reproduction number sa Metro Manila mas mababa mula sa 0.84 na naitala noong nakaraang araw.

Read More:  Government flags all shipments from Laos after ₱1.36-B shabu seizure

Sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na nasa 16% din ang ibinaba ng COVID-19 positivity rate sa nabanggit na rehiyon.