Tumaas ang bilang ng mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown sa National Capital Region mula sa 71 sa 98.
Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP), ang naturang mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown ay nasa 57 barangays.
Ang granular lockdown ay ipinatupad sa 57 bahay, 19 na residential buildings, 13 subdivisions at residential building floors.
Ayon sa PNP Public Information Office, ang mga local government units (LGUs) ang magdedesisyon sa pagpapatupad at pagtanggal sa granular lockdowns.

Para naman matiyak ang seguridad at tumalima ang mga residente sa minimum health standards, nagdeploy ang PNP ng 226 personnel at 239 force multipliers sa mga concerned areas. //MHEL PACIA-TRINIDAD