Naitala ng Department of Health (DOH) ang 3,656 na mga bagong kaso ng COVID-19, na pinakamababang daily infections na naitala noong July 13.
Hindi naman kasama sa bilang ang resulta mula sa dalawang laboratoryo na bigong makasumite ng kanilang datos on time.
Ang mga bagong infections ang nagdala sa nationwide tally na 2,735,369, habang ang active cases ay nasa 67,061.
Mula sa naturang bilang, 77.9% ang mild, 6.8% ang asymptomatic, 8.69% ang moderate, 4.6% ang severe, at 2.0% ang nasa kritikla na kondisyon.

Umakyat naman ang total recoveries sa 2,627,331 matapos gumaling ang 228 pang pasyente, habang ang bagong fatalities ay naitala sa lima, dahilan para umkayat ang death toll sa 40,977. //MHEL PACIA-TRINIDAD