Umaabot pa sa 70,714 mula sa 26,627 eligible healthcare workers ang hindi pa nababayaran ng Department of Health (DOH) ng kanilang special risk allowance (SRA).
Kaugnay nito, nasa 456,013 healthcare workers o 87 percent ng kanilang estimated 526,627 eligible potential healthcare workers ang nakatanggap na ng naturang benepisyo.
Samantala, 70,714, SRA payments para sa 41,587 healthcare workers ang kasalukuyang pino-proseso.

Sa pagdinig naman ng Senado kaugnay sa national budget para sa 2022, hiniling ng DOH ang karagdagang P2.7 billion mula sa Department of Budget and Management para sa SRAs ng mahigit 119,000 na karagdagang healthcare workers.
Makakabenepisyo sa hinihiling na pondo ang 119,353 na mga healthcare workers. //MHEL PACIA-TRINIDAD