NBAFinals: Dallas Mavericks nakaisa na sa NBA Finals, tinambakan ang Boston Celtics sa Game 4

Napigilan ng Dallas Mavericks na ma-sweep sa 2024 NBA Finals matapos tambakan ng 38 points ang Boston Celtics sa Game 4 ng kanilang serye, 122-84.

Sumandal ang Mavericks sa kanilang depensa kung saan nalimitahan lamang sa 10 points si Jaylen Brown habang 15 points lang ang nai-ambag ni Jayson Tatum para sa Celtics.

Read More:  Coup rumors denied! Senate President alan cayetano says majority bloc remains solid

Naging x-factor naman si Tim Hardaway Jr. para makaiwas sa sana’y pagwalis ng Boston nang humakot ito ng 15 points kasunod ng mga batikos noong Game 3 dahil sa zero point performance.

Read More:  Lacson: online participation may not be allowed in impeachment trial

Gumawa din ng combined 50-point ang Dallas backcourt combo na sina Kyrie Irving at Luka Doncic.

Susubukan naman ng Boston na tapusin na ang serye sa Game 5 na gaganapin sa Martes, June 18, sa loob ng kanilang home court.