Hindi umano makita ni Special Senate Committee on PH Maritime and Admiralty Zones, Chairperson, Senador Francis Tolentino ang batayan ng naging pag-uutos ng China maliban sa ideya nitong nasa sakop nila ang hurisdiksyon ng West Philippine Sea (WPS).
Ito ang naging pahayag ni Tolentino alinsunod sa pagpapatupad ngayong araw ng China ng panghuhuli sa sinumang papasok sa sinasabi nilang teritoryo sa WPS.
Sa ilalim ng kautusang ito, awtorisado na ang bawat Chinese Coast Guard (CCG) na manghuli sa sinumang papasok sa di umano’y teritoryo nila at sasailalim din ang mga ito sa animnapung araw na pagkakulong.
Ani Tolentino, ayon sa kanilang pag-uusap ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo maituturing na umanong pinakamataas na antas ng agresyon ang sakaling pagpapatupad nito.
Alinsunod nito, pinayuhan muna rin ni Masinloc, Mayor Arsenia Lim ang mga mangingisda na ‘wag munang lumapit sa delikadong lugar na pinagbabantaan ng China.
Samantala, tiniyak naman din ng senador na patuloy lang ang pambansang pamahalaan sa pagpagpaabot ng tulong sa mga Pilipinong mangingisdang naroon.