Pumayag si LeBron James sa two-year NBA contract extension sa Los Angeles Lakers na nagkakahalaga ng $97.1 million.
Batay sa ESPN at sa The Athletic, ang kasunduan ay kinabibilangan ng player option para sa 2024-25 season, kung saan maaring makita ni James ang kanyang 17-anyos na anak na si Bronny na maging NBA rookie.

Ang kontrata ay maaring magkahalaga ng $111 million para sa superstar forward, kung saan NBA salary cap ay magkaroon ng major jump para sa 2023-24 campaign.
Ang naturang terms ay magbibigay kay James ng career guaranteed total earnings number na $532 million, na lamang para sa four-time NBA champion at four-time NBA Most Valuable Player kay Kevin Durant para sa record guaranteed career earnings total.
Ayon kay James, gusto niyang maglaro sa buong 2024-25 season para sa pagkakataong makalaro ang kanyang panganay, na top high school prospect sa Los Angeles.