American colossus Bob Sapp, hinamon ng lucrative match si Manny Pacquiao

Kung si Luis “Chavit” Singson ang tatanungin, sakaling may lucrative exhibition match para kay Manny Pacquiao, dapat ito umano ay si American colossus Bob Sapp.

Ayon kay Singson, na dating confidante ng retired boxing champion, na susubukan niyang kumbinsihin ni Pacquiao na tanggapin ang laban.

Si Sapp na ikinokonsidera bilang MMA pioneer, ay nakausap si Singson noong Miyerkules, sa pag-asang makukuha ang lucrative match sa pambansang kamao.

Giit nito, pipitpitin niya ang retiradong Filipino fighter gaya ng isang lamok, kasabay ng paghahamon na laban siya ng eight division world champion.

Paliwanag ni Singson, kikita ng malaki si Pacquiao dito, mula sa iba pang mga exhibition.

Tinutukoy nito ang nalalapit na laban ni Manny kontra kay Korean martial arts instructor DK Yoo, na mangyayari sa Disyembre, para makalikom ng pondo para sa kani-kanilang benepisyaryo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *