Vice Ganda, itinangging hiwalay na sila ni Ion Perez

Pinabulaanan ni Vice Ganda ang mga haka-haka na siya at ang kanyang partner na si Ion Perez ay naghiwalay na.

Paglilinaw ng TV host, maglaan lang siya ng oras para sa kani-kanilang sarili para mabalanse ang kanilang relasyon.

Read More:  Jessica Sanchez named among Asian Hall of Fame Class of 2026

Inamin din ng komedyante na umiyak siya, dahil namiss niya si Ion, na kababalik lang mula sa kanyang trip sa Japan.

Read More:  Rere Madrid introduces first child with Kai Sotto

Bagama’t hindi na sinabi ni Vice kung paanu nagsimula ang naturang espekulasyon, mababatid naman na ang entertainment columnist na si Cristy Fermin ang nagpalutang sa espekulasyong posibleng may pinagdadaan umano ang relasyon ng dalawa.