Naval squadron ng Russia nasa bansa para sa port visit

Kinumpirma ng Philippine Navy na nasa bansa ang Naval squadron ng Russia.

Ayon kay Philippine Navy (PN) spokesperson Commander Benjo Negranza nakadaong sa Manila South Harbor ang limang barko ng Russian Pacific Fleet para sa isang port visit.

Ang Naval squadron ng Russia ay binubuo ng isang corvette Gremyashchiy, dalawang submarines, isang tanker Pechenga, at isang support vessel Alatau.

Sa isang pahayag sinabi ni Negranza na ang pagdating ng Russian contingent ay bilang pagpapakita ng suporta nito sa pagsusulong ng peace, stability, at maritime cooperation sa rehiyon.

Hindi naman nabanggit kung hangang kailan magtatagal ang Russian squadron sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *