3.5-million doses ng Sinovac dumating sa Pilipinas

Patuloy ang pagdating ng mga COVID-19 vaccines dito sa Pilipinas.

Ngayong umaga aabot sa 3.5-million doses ng Sinovac ang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2.

Ang naturang mga bakuna ay bahagi ng binili ng pamahalaan sa pamamagitan ng Asian Development Bank (ADB).

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Sinalubong nina Vaccine czar Carlito Galvez Jr at Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian ang pagdating ng naturang mga bakuna.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Binati ni Huang ang Pilipinas dahil sa patuloy na pagbaba ng COVID-19 cases sa bansa.

Kasabay nito nagpasalamat si Sec. Galvez sa Chinese government dahil sa patuloy na pagsusuplay nito ng mga bakuna sa Pilipinas.