National Security Council – hinihingan ng ebidensya ang koluminstang nagsabing si dating pangulong Estrada ang nag-order na alisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal

‘Maglabas ng pruweba!’

Ito ang sinabi ni National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya sa pahayag ni Ex-Presidential Spokesperson Rigoberto Tiglao na nangako raw si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada na aalisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Sa isang panayam sinabi ni Malaya, na pinapalabo pa raw ng husto ni Tigalo ang isyu sa Ayungin Shoal.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Sa halip daw na magkaisa bilang isang bansa ay parang nahuhulog pa tayo sa narrative ng China na parte ng isang psychological o cognitize warfare ng kanilang bansa.

Maaalalang nauna nang hinamon ni Sen. Jinggoy Estrada ang China na pangalanan ang pangulo na nangakong tanggalin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Read More:  DILG to enforce DOJ order to arrest Bato Dela Rosa

Ayon pa sa senador, tsismis lang ang pinalalabas ng Chinese government na mayroong verbal na pangakong binitiwan sa kanila tungkol sa pag-aalis ng barko.

Nauna nang nagsalita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China sa pagtanggal sa BRP Sierra Madre.