Kinilala ni Pangulong Bongbong Marcos ang naging tungkulin ng Japan sa kapayapaan at seguridad sa West Philippine Sea.
Ayon kay Marcos, ang bilateral at multilateral partnerships at agreements ay nagdulot ng pagpapanatili ng katatagan sa rehiyon.

Tinutukoy umano ng Pangulo ang tripartite trilateral agreements na pinag-uusapan ng dalawang bansa, at sinimulan nang ipatupad pagdating sa mga joint patrols, at joint exercises ng mga maritime forces ng Japan at Pilipinas.
Dahil dito, dapat aniyang kilalanin ang napakahalagang contribution ng Japan sa bansa hindi lamang sa training at equipments, kung ‘di maging sa kasunduan na mayroon ang parehong bansa para sa kooperasyon, kapayapaan, at libreng pagsasagawa ng trade at shipping.
Samantla, sinabi naman ni Komeito Party Chief Representative Yamaguchi Natsuo na nais ng Japan na i-engage ang Pilipinas sa ilang mga areas gaya ng defense at maritime security.
Hinahangad din umano nila na maging bahagi at makapag-contribute sa development ng bansa pagdating sa ilang mga areas.