Drag queen na si Pura Luka Vega – kinasuhan ng mga deboto ng Itim na Nazareno

Nagsampa na ng reklamo ngayong araw ang Hijos Del Nazareno na binubuo ng mga devotees ng Itim na Nazareno sa Quiapo Church laban sa drag artist na si Amadeus Fernando Pagente o alyas “Pura Luka Vega.”

Sinabi ng grupo na lumabag ang drag queen sa Revised Penal Code, Article 201, in relation to Section 6 at Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 sa Office of the City Prosecutor sa Manila City Hall.

Read More:  Palace respects arrest warrant vs. VP Sara, camp set to post bail

Sinabi ng grupo na labis silang nasaktan at inilarawan nilang immoral at pambabastos sa Diyos ang ginawa ni Pura Luka Vega.

Read More:  Marcos allocates P300 million for Tarlac City bridge repairs

Hindi rin daw magandang halimbawa sa mga mamamayan lalo na sa mga kabataan ang ginawa ni Pura Luka, kaya nararapat lamang ayon sa grupo na dalhin na sa korte ang mga pagkakamali at kalapastanganan ni Pagente.

Kamakailan, idineklarang persona non grata si Pura Luka sa Maynila, Laguna, Nueva Ecija, Bukidnon at Cagayan de Oro.