National Schools Press Conference 2024, gaganapin sa Cebu ayon sa DepEd

Nakatakdang idaos sa Cebu ang National Schools Press Conference (NSPC) na kalalahokan ng campus journalists mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Sa temang “Galing, Talino at Husay ng mga Batang Makabansa sa Diwa ng MATATAG na Adhika,” sinabi ng Department of Education (DepEd) na layunin ng conference na makatugon sa mga hinahangad nitong development
sa pamamagitan ng MATATAG Agenda.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Nais din umano ng NSPC na ipakita ang pag-unawa sa pamamahayag sa pamamagitan ng mahusay na pagpapatupad sa iba’t ibang mga platform tulad ng print, broadcast, at online at kilalanin ang papel ng pamamahayag sa pagtataguyod ng kamalayan sa lipunan at mga kamalayan sa kapaligiran.

Isa pa sa layunin ng conference ay bigyan ng pagkakataon ng mg mag-aaral na magamit ang kanilang kakayahan sa journalism upang magamit ito sa kanilang future career.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Magiging host region ang Region VII, habang ang Carcar City naman ang host division, at ang Cebu Province ang co-host division.

Isasagawa ang NSPC simula July 8 hanggang July 12.