Senador, umaasang makakalusot sa Senado ang batas na naglalayong i-ban ang POGO operation sa Pilipinas bago ang 2025 PH Senate Election

Inamin ni Senate Committee on Ways and Means, Chairperson, Senador Win Gatchalian na tunay na nakakapangamba ang kaliwa’t kanan na paglutang ng mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub na ginagamit sa iba’t ibang illegal na aktibidad.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Alinsunod nito, tiniyak niyang maghahain siya ng batas tungkol dito upang magkaroon ng ngipin ang batas bilang panlaban sa anumang kaso ng human trafficking, serious illegal detention at marami pang iba.

Samantala, umaasa naman din siya sa paglusot ng gagawin niyang batas sa Senado bago dumating ang 2025 Philippine Senate Election.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Una ng sinabi ni Gatchalian na nakapaghain na sila sa Malacañang ng committee report hinggil sa pagba-ban o pagbabawal sa mga ito sa Pilipinas.