Liderato ng Kamara, kumpiyansang mapalalakas ang legislative agenda sa ilalim ng liderato ni SP Chiz Escudero

Nagpaabot ng pagbati si House Speaker Martin Romualdez kay Senador Chiz Escudero matapos itong mahalal bilang bagong Senate President.

Ayon kay Romualdez, si Escudero ay isang respetadong personalidad sa larangan ng pulitika na kilala sa kanyang dedikasyon, integridad at commitment sa mamamayan.

Pinasalamatan din nito si Senador Juan Miguel Zubiri dahil sa mahusay na paglilingkod at leadership bilang Senate President.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Ang sipag at dedikasyon aniya ni Zubiri ang nagdulot ng mga napagtagumpayan sa lehislatura at nagtaguyod ng kooperasyon sa Mataas na Kapulungan.

Kasunod nito, optimistiko ang House leader na uusbong ang panibagong pakikipagtulungan sa Senado lalo’t maraming hamon at oportunidad ang naghihintay na matutugunan sa pamamagitan ng pagkakaisa at kolaborasyon.

Read More:  Construction begins on rental housing for families affected by NSCR Extension Project

Sa ilalim ng administrasyong Marcos, nailatag umano ng Kongreso ang mga komprehensibong inisyatiba na layong iangat ang buhay ng mga Pilipino.

Kaya naman tiwala si Romualdez na mapagtitibay ang legislative agenda at matitiyak ang matagumpay na implementasyon ng mga programa sa tulong ng liderato ni Escudero.