National Marijuana Consultation Tour, ilulunsad ng isang mambabatas

Ilulunsad ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez ang National Marijuana Consultation Tour hinggil sa kanyang panukalang alisin sa listahan ng ipinagbabawal na droga ang marijuana.

Ang konsultasyon ay magsisimula sa April 6 hanggang April 10.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Si Alvarez ang may-akda ng House Bill 6783 na naglalayong alisin ang cannabis o marijuana sa listahan ng dangerous drugs sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o RA 9165.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Nagsimula na ang technical working group ng House Committee on Dangerous Drugs sa pagtalakay sa panukala.//CA