Isang taong transition period para i-phase out ang POGO, sapat na ayon sa isang senador

Sapat na ang isang taong transition period para sa lahat ng Philippine Offshore Gaming Operations upang makumpleto ang kanilang mga gawain sa bansa para mag-impake at umalis.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Ipinunto ito ni Senate Majority Leader Joel Villanueva , habang inulit niya ang kanyang suporta sa committee report ni Senator Sherwin Gatchalian na nakasentro sa rekomendasyon na i-ban ang POGO sa bansa.

Ang committee report ay nangangailangan ng hindi bababa sa 10 lagda bago pumasa sa ways and means panel saka dadalhin sa plenaryo para sa deliberasyon, debate at pagboto.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Samantala, itinutulak naman ng ibang senador ang dalawang taong transition period para i-phase out ang POGOs.//CA