National Law Enforcement Coordinating Committee, magpupulong para talakayin mga isyu sa POGO

Magpupulong ang National Law Enforcement Agency upang talakin ang bigat ng isyu sa POGO.

Ayon kay PNP Chief Police General Rommel Marbil, posibleng ngayong linggo o susunod na linggo maganap ang pulong.

Ito’y para mapag-usapan ang mga iregularidad na umuusbong sa offshore gaming na una ng tinawag ng National Security Ciouncil bilang security concern.

Nabatid na maliban sa PNP ang Law Enforcement Coordinating Committee ay binubuo ng: National Intelligence and Coordinating Agency , National Bureau of Investigation, Armed Forces of the Philippines at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *