National I.D ng maraming mga taga Camarines sur, hindi parin natatanggap

NAGA CITY-  Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng mga ahensya ng gobyerno, kabilang na sa mga local government units na maghanda para sa pagpapatupad ng National ID system.

Ito ay sa ilalim ng Memorandum Circular (MC) 95 na inilabas ni Executive Secretary Salvador Medialdea na may petsang February 8, 2022. Subalit maraming mga taga Camarines Sur ang hindi pa rin natatanggap ang National I.D.

Ilang buwan na ang nakakaraan simula nang magparehistro. Ang ilan nga ay noong 2nd quarter pa ng 2021 nagpareguster sa Philippine Statistics Authority (PSA). Reklamo pa ng iba, mas mabuti pa ang mga nahuling magpatala ay nakuha na ang I.D.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Una nang sinabi ni Clemente Manaog ng PSA Camarines Sur na sila ang may responsibilidad sa pagkuha ng impormasyon subalit may mga katuwang silang ahensya para sa printing at pag deliver ng I.D cards.

Inihayag sa Brigada News FM Naga ni Malou Degayo ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) na kung ano ang ibinababa sa kanila ng Bangko Sentral ng Pilipinas na dapat na ideliver iyon lamang ang idedeliver ng kanilang mga kartero. Hindi aniya nila alam ang sistema ng buong proseso sa printing bago makarating sa kanila ang cards.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Batid ng PHLPost na sinisisi na sila ng iba subalit hanggang Linggo aniya nagtatrabaho ang mga nasa delivery section. Dapat wala silang backlog kaya dapat tama rin ang address.