Natagpuang bangkay ng isang lalaking nakagapos ang mga kamay at paa sa ilalim ng tulay sa Catanduanes, nakilala na at possible umanong sinalvage

BNFM Bicol- Nakilala na ang bangkay na nakagapos ang mga kamay at paa habang nakabalot ang ulo ng packaging tape at naaagnas nang natagpuan sa ilalim ng tulay sa Caramoran, Catanduanes nitong Hulyo 7, 2024.

Ito ay kinumpirma ni Jose Toquero Jr., na ito aniya ang katawan ng kaniyang anak na si Sunny Boy Toquero, 19-anyos na huling namataan sa piyesta sa kanilang barangay.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Dagdag pa ng pamilya, nabisto nila ang bangkay dahil sa suot nitong damit na may Pokemon design na pagmamay-ari ng kanyang asawa na naging pangunahing batayan sa pagkakakilanlan.

Matatandaang nakita ng mga residente sa boundary ng Milaviga at Guiamlong ang naturang bangkay matapos umalingasaw ang masangsang na amoy nito.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Labis naman ang pagdadalamhati ng naulilang pamilya sa sinapit ng kanilang mahal sa buhay. Hiling nila ang agarang aksyon at hustisya para sa kanilang anak.

Sa ngayon, hinihintay na lamang ang resulta ng isinagawang medico legal ng Foresnsic Unit ng PNP Bicol para mapabilis ang pag-alam sa sanhi ng kaniyang pagkamatay. # # # Rumer Grant, Intern

Photos from CATPPO