KORONADAL CITY – PATULOY ang pagtutok ng Department of Agriculture o DA-12 sa mga priority comodities sa ilalim ng High Value Crops Development Program o HVCDP.
Ito ang inilatag ni Dr. Lorna Vilbar, regional technical director for research and regulations kung saan kabilang sa nangungunang commodities sa ilalim ng HVCDP ay ang: kape, cacao, saging, mangga, rubber, at iba pang mga pagkain.
Binigyang-diin ng opisyal na isa sa malawak na taniman sa rehiyon ay ang kape na itinuturing na isa sa pinakamalaking produkto ng rehiyon particular na sa probinsya ng Sultan Kudarat.
Ayon sa kaniya, patuloy din ang kanilang pamamahagi ng mga interventions sa mga tumatanim ng kape at sa iba pang mga magsasaka.
Kabilang sa mga ibinibigay ng kanilang opisina ay ang kalidad na mga materyales, binhi, abono at iba pang kinakailangang tulong sa pagtatanim.
