DMW- walang Pilipinong nasaktan sa pag-atake ng Houthi rebels sa isang vessel sa Yemen

Iniulat ng Department of Migrant Workers (DMW) na ligtas at walang nasaktan sa 23 Filipino crewmen na sakay ng isang vessel na inatake ng Houthi rebels nitong Sabado, May 18.

Ayon sa DMW, nagtamo ng bahagyang pinsala ang barko matapos na ma-drone attack ng mga rebelde habang naglalayag malapit sa Yemeni port city ng Hodeida.

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

Sa kabila nito, nagpatuloy pa rin sa paglalayag ang sasakyang pandagat sa kanilang destinasyon.

Read More:  Zambales marks 10th anniversary of WPS arbitral victory

Sa ngayon ay mahigpit nang nakikipag-ugnayan ang DMW sa international maritime authorities, shipping companies, at local manning agencies para malaman ang estado ng mga barko na may mga Pilipinong marino na maglalayag sa mga high risk areas at war-like zones sa Red Sea at sa Gulf of Aden.