Nasagip na grass owl ng mga kabataan at ipinasakamay sa Brigada News FM Cauayan , nai-turn over na sa CENRO

Isang grass owl ang nasagip ng mga kabataan sa Bana Uy ST., District 1, Cauayan City ang matagumpay na naipasakamay sa City Environmental and Natural Resources Office sa lunsod kahapon, February 1, 2022 sa pamamagitan ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Ayon kay John Carlo Soliven, 15-anyos, gabi ng January 31 nang nakita nila ang naturang ibon na na bumagsak matapos mabangga ang isang puno.

Dahil dito ay hinuli nila ang ibon at pansamantalang ikinustodiya.

Read More:  Coast Guard issues alert as search continues for missing fisherman in Panabo

Nakipag-ugnayan naman si Soliven kasama ang mga kaibigan sa Brigada News FM Cauayan upang maibalik ang ibon sa kinauukulan.

Agad ipinasakamay ang naturang ibon sa CENRO Cauayan na nakahimpil sa Brgy. Sillawit, Cauayan City.

Ayon kay Forester Ronald Tacuboy, ang nasagip na ibon ay isang Grass Owl na tinatayang nasa dalawang taon na ang edad.

Mapalad din na walang nakitang sugat o pilay sa pakpak ng ibon.

Malimit aniyang nakikita ang mga ito sa mga forest areas subalit dahil ang ilan ay nawawalan na ng tirahan at naghahanap ng pagkain kaya dumarayo sila sa ibang lugar.

Read More:  Buy-Bust in Sangali nets suspected drug pusher

Aniya, sa ngayon ay maituturing na endanger na rin ang mga ganitong uri ng ibon.

Payo pa ni Forester Tacuboy na kapag nakakahuli ng grass owl ay mainam na ipagbigay-alam kaagad sa kinauukulan at huwag nang hintayin na manghina pa ang mga ito.

Samantala, makikipag-ugnayan pa umano siya sa CENRO Officer para sa magiging disposisyon sa nasagip na Grass Owl.