Excavation, idinahilan ng Telcos sa mabagal na internet connectivity; SP, hindi kumbinsido

SORSOGON CITY – Hindi pa rin kumbinsido ang Sangguniang Panlalawigan sa ibinigay na dahilan ng mga Telco companies na ang ginagawang mga excavation ang dahilan kung bakit mabagal at mahina ang internet connectivity sa lalawigan.

Sa pahayag sa Brigada News ng SK Federation Provincial President at Board Member Roxan Escanilla, sinabi nito na hanggang sa ngayon ay palaisipan pa rin sa kanila kung ang paghuhukay nga ba ang talagang rason ng nasabing problema lalo pa at dalawang internet service provider lang naman ang nasa underground ang linya at ito ay ang PLDT at Converge.

Read More:  High school students stabbed after street attack in Davao City; six minors taken into custody

Aniya, dahil ang dalawang nabanggit na Telcos lang naman ang nakabaon sa lupa ang mga linya, kung kaya’t ito lang ang dapat na maapektuhan  kung sakali man.

Ito ang dahilan kung bakit ipinagtataka ng Konseho na pati ang iba pang Telco companies  na nasa itaas naman ang mga linya ay mahina at mabagal din ang internet service.

Read More:  Authorities seize ₱105.9M in alleged smuggled cigarettes in Zamboanga del Sur

Sa huli, sinabi ng opisyal na hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin sila sa pagtukoy sa totoong dahilan ng problema lalo pa at hindi naman umano lahat ng mga telco companie ay sumipot sa pagdinig.