Nasa 20,000 Senior citizens sa Naga City makakapag avail ng early voting  hours sa darating na BSKE

NAGA CITY – “Lumabas at mag voto sa darating na halalan ang mga senior citizens at pumili ng mga bagong lider sa barangay na magpapatuloy ng mga programa tungo sa pag-ulad”.

Ito ang ginawang panawagan ni Jimmy Reblando, head ng Office for Senior Citizens Affairs na may kasamang paalala na rin sa lahat ng mga kasamahan niyang senior citizens sa Naga City.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Sa kaniyang pakikipag-usap sa Brigada News FM Naga, sinabi ni Reblando na batay sa opisyal na talaan nila, mahigit 20, 000 ang mga senior citizens sa lungsod at ang bilang na ito ang inaasahan  niyang posibleng mag boto sa darating October 30.

Bukod sa paalala niyang ito, padadalhan nila ng liham ang mga senior citizens mula sa COMELEC-Naga na nag i-inform sa mga ito hinggil sa mangyayaring election.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Maaga pa lang ay inaasahan na niya ang pila dahil ang early voting hours ay nasa pagitan ng alas singko hanggang alas siyete ng umaga.

Nilinaw ni Reblando, na hindi lang naman silang mga senior citizens ang nakapag avail ng early voting hours kundi maging ang mga Persons with Disabilities at mga nanay na buntis. Ang Naga City ay may mahigit 160, 0000  mga botante na lalahok sa BSKE.