Nanakit ng live-in partner, kulong!

SORSOGON CITY – Habang ang mga kababaihan sa buong mundo ay ipinagdiriwang ngayong buwan ng Marso ang International Women’s Month, sadyang may ilang kalalakihan na ang tingin sa mga babae ay isang mababang uri lamang ng tao.

Bago magtanghali kahapon, Marso 22 ay inaresto ng personahe ng Sorsogon City Police ang isang driver makaraang ireklamo ito ng kanyang kinakasama ng pang-aabuso.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Kinilala ang suspek na si Lito Rubio Despabiladeras, 39-anyos, residente ng Brgy Poblacion, Bacon District, Sorsogon City.

Ayon sa ulat, dumulog sa himpilan ng Pulisya ang 22-anyos na biktima dahil umano sa madalas na pananakit nito sa kanya at nitong huli ay nadamay pa ang kanilang 5 buwan na sanggol.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Umuwi umano ang suspek na nakainom ng alak at walang kaabog-abog na pinagsasaktan siya hanggang sa mabitiwan niya ang karga niyang sanggol na nasaktan din.

Agad namang rumesponde ang mga awtoridad at inaresto ang suspek.

Mahaharap ito sa kasong paglabag sa RA 9262 o Anti- Violence against Women and their Children.