Lalaking pinagsamantalahan ang pamangkin ng kinakasama, patay

Idineklarang dead on arrival ang isang lalaking tinuturong nanggahasa sa pamangkin ng kanyang live-in partner.

Sa ikinasang operasyon ng kapulisan nitong Martes, Hulyo 30, nanlaban ang suspek kaya nabaril ng mga otoridad.

Read More:  More than 2,000 sacks of garbage collected during Dolomite Beach Clean-Up Activity

Maaalala na magkasama ang nanay ng biktima at ang suspek na pumunta sa kapulisan matapos aminin ang pagsasamantala sa biktma.

Sa imbestigasyon, napag-alaman na sexually molested ang biktima mula pa noong siya ay 14-anyos pa lamang.

Read More:  Online seller shot in head in Cebu City; Suspected hitman arrested

Sa operasyon, Pinakiusapan umano ng mga pulis ang suspek na sumuko, ngunit nagmatigas ito at inatake ang mga pulis.

Sa ngayon, patuloy na binibigyan ng psychological assistance ang biktima.