Nakaraang LET sa Bicol region, ‘generally peaceful’ ayon sa PRC Bicol

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Professional Regulations Commission (PRC) Bicol na “generally peaceful” ang nangyaring Licensure Examination for Teachers (LET) noong Linggo.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay PRC Licensure and Registration Division, OIC Jerome Bañes, sinabi niyang malinis ang nangyaring pagsusulit dahil wala naman umano silang natanggap na mga reports o insidente na maaaring makasira sa exam.

Read More:  Drunk passenger stabs fellow bus rider in Cebu

Dahil dito, nais niyang pasalamatan ang lahat ng mga naging katuwang na ahensya tulad ng Department of Education (DEPED) dahil sa kanilang pagbigay ng mga testing centers; Legazpi City Health Office dahil sa pagbigay nila ng standby ambulance upang reumesponde sa mga nangangailangan ng medical na atensyon; Philippine National Police (PNP) sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad; Commission on Audit (COA) at iba pa, maging sa mga nagvolunteer na mga personahe.

Read More:  Drunk brother-in-law kills mother, injures teen over ₱500 debt in Negros Oriental

Aniya, umabot sa mahigit 14,000 ang mga examinees sa LET noong Linggo, kung saan nasa mahigit 10,000 ang sa Legazpi City; mahigit 3,000 sa Masbate; mahigit 800 sa Catanduanes.

Samantala, marami pa ang dapat na abangan mula sa PRC katulad ng iba pang licensure exams, oath-taking for architects, at iba pa.