AKB party-list Rep. Bongalon, itinalaga na bilang Vice Chairperson ng House Committee on Ethics and Privileges

LEGAZPI CITY – Inako na ni Ako Bicol Party-list Rep. Atty. Jil Bongalon ang malaking responsibilidad dahil itinalaga na siya bilang bagong Vice Chairperson ng House Committee on Ethics and Privileges.

Siya ang pumalit kay Cong. Jeffrey Soriano ng ACT-CIS Party-list matapos itong magretiro sa nasabing posisyon.

Aminado si Bongalon na hindi madali para sa kanya na akuin ang posisyon dahil baguhan, ‘neophyte’ at first-termer pa lamang siya bilang mambabatas.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Aniya, ang isang kinatawan na nasa unang termino sa panunungkulan na naitalaga sa pamunuan ay napakahala sa kongreso.

Dagdag pa nito, bilang isang abogado at isa sa mga pinakamasigasig at pinakamatalinong batang kinatawan ngayon sa kongreso, dala-dala ni Bongalon ang karanasan bilang isang manananggol at propesor ng batas sa pagpapairal ng mga patakaran at alituntunin, hindi lamang ng House of Representatives, kundi maging ng Saligang Batas at mga batas na umiiral sa bansa na siyang magiging gabay ng mga kinatawan sa pagtupad nia ng kanilang tungkulin sa Diyos, sa bayan, at sa mga tao.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol