LGU Legazpi, nagsagawa ng outreach program para sa mga babaeng PDLs sa City Jail bilang pagdiriwang ng Women’s month

LEGAZPI CITY – Nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng Legazpi City ng isang outreach program para sa mga babaeng persons deprived of liberty (PDL) ng City Jail.

Pinangunahan nito Mayor Geraldine Rosal upang magbigay ng simpleng regalo sa PDLs.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Ayon sa alkalde, ang regaling inihandog ng kanilang tanggapan sa mga kababaihang na nasa kulungan ay upang ipakita at maipadama sa kanila ang pagmamahal, at kahalagahan.

Aniya, maging sila rin ay nangangailangan ng tulong at wala umano itong pinagkaiba na nasa labas ng kulungang namumuhay nang simple, at may mga personal na bagay din silang kailangan habang nasa loob ng piitan.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Taun-taong isinasagawa ng LGU ang aktibidad na ito tuwing nagdiriwang ng Women’s month, habang aabot naman sa 40 PDLs ang nabigyan ng regalo.

Pinasasalamatan naman ng PDLs ang LGU sa pagbibigay-tulong sa kanila.