Naitalang fireworks-related injuries sa bansa, lumobo pa sa 96

Lumobo pa sa 96 ang naitalang fireworks-related injuries sa bansa ilang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon sa FWRI report ng Department of Health, pumalo sa walo ang bagong kaso ng mga nadisgrasya dahil sa paputok batay sa 24-hour monitoring ng ahensiya.

Read More:  VP Sara Duterte posts bail after grave threats arrest warrant

Isa sa mga bagong kaso ang isang 23-anyos na babae mula sa Central Luzon na nabingi dahil sa kwitis.

Read More:  6 Central Luzon provinces declared among hardest-hit by typhoons and Habagat

Samantala, karamihan sa mga naitalang kaso ay mula sa National Capital Region na may 33, sinundan ng Central Luzon at Ilocos na may tig-12.