Ipinalabas ng PRO5 ang iba pang pirasong ebidensya na narekober sa natagpuang drum na may kalansay ng tao sa loob nito na natagpuan ala 1:00 ng hapon noong Oktubre 12 sa Pier Site, Brgy Talisay, East District, Sorsogon City.
Sa ekslusibong report na natanggap ng Brigada News, maliban sa kalansay ng tao at mga basag na semento ay narekober din sa loob ng drum ang dalawang pirasong disposable self-locking Zip Tie handcuffs, sintas ng sapatos, gamit na na duct tape at isang nail extension na may dekorasyon na gemstone.
Wala pang ipinapalabas na progress report ang Sorsogon City Police Station dahil hindi pa rin nagpapalabas ng resulta ang PNP Regional Forensic Unit.
Marami na rin ang nag-inquire sa Brigada News hinggil sa mga buto ng tao na natagpuan sa loob ng drum at nagbabakasakaling ka-pamilya nila ito na nawawala at ang mga ito ay inirefer na ng Brigada station sa himpilan ng Pulisya.
