Nagpapatuloy na Voter’s Registration mas hihigpitan-Comelec Legazpi

LEGAZPI CITY – Muling ipinapaalala ng Commission on Election (COMELEC) Legazpi sa mga tutungo sa kanilang opisina na kailangan magdala ng proteksyon laban sa corona virus disease (COVID) 19.

Ito ang inihayag ni Atty. Michael Angelo Laurio, ang officer in charge ng comelec legazpi sa Brigada News Fm Legazpi.

Ayon kay Laurio, mas istriktong ipinatutupad ng ahensya ang nagpapatuloy na voters registration sa lungsod ang minimum health standard protocols.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Aniya, ang hindi susunod sa mga ipinatutupad ng opisina ay papauwiin sa kanilang tahanan.

Kinakailangan pa rin magsuot ng facemask, faceshield at susundin pa rin ang social at physical distancing upang maiwasan na magkaroon ng naturang sakit.

Dagdag pa nito, tumataas na rin ang bilang na nagpaparehistro sa comelec kung saan umaabot na rin sa 60-70 katao bawat araw.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Dahil dito ay inaasahan na madadaragdagan pa rin ang bilang na nagpaparehistro sa kanilang tanggapan kung saan aabot na rin sa 119, 986 ang registered voters sa lungsod.

Sinabi ng opisyal, wag ng hintayin ang huling araw ng pagpaparehistro sa comelec upang hindi na makikipagsiksikan sa darating na Setyembre 30.