Naging bayolenteng street adult , narescue sa Naga City

NAGA CITY – Pinagdiskitahan ang mga basura, nambabato ng mga dumaraang sasakyan, nanghahabol at kinakalampag pa ang ilang madaanang commercial establishments.

Ito ang nakita sa video na kuha ng business owner na si Jean Laureles ng Melchor T. Villanueva Avenue Naga City.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Napag-alaman ng BNFM na may problema sa pag-iisip ang naturang street adult. Narescue siya ng mga personahe ng City Social Welfare and Development Office nitong nakaraang gabi.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Annabelle Vargas, head ng CSWDO, sinabi nito na bukod sa pagiging bayolente nito, ay gumawa pa ito ng kahalayan o ng kabastusan sa kalsada.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Agad naman silang nakipag-ugnayan sa pamilya nito sa Barangay Tinago,tanging lola na lamang ang nag-aalaga.

Ang mga ganitong nare-resacue nina Vargas ay agad nilang dinadala sa mental health facility para sa agarang medical assistance.