Patay ang apat na tao sa nangyaring serye ng wildfires sa 14,000 ektarya ng lupain bunsod ng heat wave sa Chile.
Naitala ang mga nasawi sa bayan ng Santa Juana sa Biobio na nasa 310 miles sa Timog ng Santiago na capital city.
Sinabi ni Interior Minister Carolina Toha na ang mga biktima ay nasawi habang bumibiyahe habang sa ngayon ay ini-evaluate pa ng gobyerno ang ibang insidente.
Kaugnay nito, nagdeklara ng state of catastrophe ang gobyerno ng Chile sa Biobio at ang kalapit na Nuble na parehong kilalang lugar ng mga farms at kagubatan .
Nagdeploy na din ng mga sundalo sa lugar sa pag-asang magiging maayos ang coordination sa mga bombero at magsisiguro sa public security.
Samantala, sa inisyal na assessment report, umabot na sa daan-daang bahay ang napinsala ng sunog.
