Rumble strips inilagay na ng DPWH sa ilang accident prone area sa Kalaklan

Nagsimula ng maglagay ng mga rumble strips ang Department of Public Works and Highways Zambales 2nd Engineering District sa ilang accident prone area sa national highway ng Barangay Kalaklan sa Olongapo.

Ito ay para magbigay babala sa mga motoristang dumadaan sa kalsada araw-araw.

Read More:  Iloilo barangay councilor nabbed in buy-bust, ₱2.24M worth of shabu seized

Ayon kay Project Engr. Sammy Bilog, tatlong accident prone area na ang kanilang nilagyan at ito ay ang Abra Street sa Barangay Barretto, Zamba Area sa Barangay Kalaklan at ang Celtech Area sa Barangay Kalaklan.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Samantala, sa mga susunod na linggo ay maaari na rin simulan ang road slip o pagsasaayos sa mga nasirang kalsada ng Kalaklan.//Jeff Valdez-BNFM OLONGAPO