NAGA CITY – Muling nagpapa-alala ang Naga City Veterinary Office sa mga may alagang hayop ngayong na-uuso na naman ang iba’t-ibang sakit dahil sa ibang kondisyon ng init ng panahon.
Kagaya ng mga viral diseases na tulad canine parvovirus, canine distemper virus at sipon sa mga alagang aso o pusa. Hemorrhagic septicemia o pneumonia at blood infection sa mga alagang baka, kambing na napakadelikado sa kanilang respiratory system.
Sa panayam kay Dr. Junios Elad, City Veterinarian, sinabing kailangang palakasin ng mga nag-aalaga ang immune system ng kanilang mga alaga sa pamamagitan ng pagpapa-inom ng Vitamin D, C, immune booster para sa mga alagang aso at pusa upang hindi dumaan sa pagka-stress. Mas mabuti rin na bakunado kontra rabies at parvo ang mga alaga lalo na kung ang mga ito nagdadalang tao.
Sa mga alagang kambing, baka, kalabaw, tupa naman kung magpapa-inum lagyan ng mga multivitamins o molasses, isilong at huwag ibabad sa init o ulan.
Maliban pa rito regular din ang Programa twice a year na libreng nababakunahan at napapapurga ang mga alagang hayop. Tuloy din ang pagdidisfect bilang proteksyon at prevention na rin sa mga sakit.