Naga City Police Office, umaasang magiging matahimik ang unang SONA ni PBBM

NAGA CITY  – Handang-handa na ang kapupulisan sa Maynila sa nalalapit na unang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Bong-Bong Marcos Jr. kung saan mahigit 21K na uniformed personnel  ang inilatag sa pagdada-usan nang okasyon.

Sa Lungsod nang Naga, umaasa naman ang pamunuan ng Naga City Police Office na magiging matahimik ang SONA sa darating na Lunes.

Malayang makakapagpahayag nang kanilang mga saloobin ang mga progresibong grupo o kaya naman mga ordinaryong mamamayan.

Ayon kay PSMS Tobias Bongon ang tagpagsalita ng NCPO, ilang SONA na ang kanilang nasaksihan at sa kanilang assessment tahimik ang lungsod  kahit pa mayroon ding mga kilos protesta tuwing ganitong mga aktibidad.