CBSUA – Pili naglabas na ng pahayag sa pagkakaaksidente ng kanilang bus sa Quezon

NAGA CITY- Ligtas ang lahat na sakay ng bus ng Central Bicol State University of Agriculture- Pili Camarine Sur , ito ang laman ng kanilang pahayag ukol sa aksidente sa Candelaria , Quezon.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News FM Naga sa PNP Candelaria nangyari ang aksidente alas 2:20 ng madaling araw nitong Biyernes sa Barangay Mangilag Sur.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Tatlo ang mga nasugatan; mga residente ng Pacol , Naga City; Santiago, Pili at Paolbo, Calabanga.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP Quezon na tinatahak ng truck ang Maharlika Highway patungong Maynila, kumakaliwa sa bypass road nang mabangga ng bus na pauwi na sa Bicol ang kaliwang bahagi ng sasakyan. Nawalan ng kontrol ang bus ng CBSUA at bumangga sa poste.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Pinasalamatan ng paaralan ang mga rumisponde at nagdala sa ospital ng mga nasugatan.