Naga City, napanatili ang  Alert Level 1 Quarantine Classification; Level 1 sa CamSur nadagdagan

NAGA CITY- Napanatili ng Naga City ang Alert Level 1 quarantine classification sa update ng Inter-Agency Task Force (IATF) na epektibo mula sa Mayo 1 hanggang sa Mayo 15, 2022.

Nangangahulugan na tuloy ang mga aktibidad na ginagawa ngayon tulad sa pagnenegosyo , pag-aaral, religious gatherings at iba pa.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Samantala, hindi pa naabot ng buong Camarines Sur ang mga hinihingi ng IATF upang maibaba na sa Alert Level 1 mula sa Alert Level 2, malaking bagay din kasi ang bilang ng nabakunahan.  Gagunpaman , nadagdagan ng tatlo ang mga bayang bumaba na ang klasipikasyon. Ito ay ang Caramoan, Pili at Tigaon. Napanatili ng Bombon, Cabusao, Camaligan, Iriga City, Presentacion (Parubcan)at San Fernando ang parehong alert level.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Para kay Capital Town Mayor Pili  Tom Bongalonta, halos wala nang pagkakaiba ang galaw ng mga tao sa ilalim ng dalawang nabanggit ng Alert Level ngunit importante aniya ito sa pagnenegosyo. Kung mas magiging magaan pa ang pagnenegosyo nakasunod na ang iba pang aspeto tulad ng transportasyon.