LEGAZPI – Inihayag ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Albay na nagsimula nang magbukas ng Job opportunities matapos ang dalawang taon na pandemya.
Ayon kay Ruth Dayawen, ang Provincial Director ng nasabing tanggapan, malaki ngayon ang pinagbago sa panahon ng pandemya dahil sa may mga company na ang nagkaroon ng pagbabago kung saan hindi na kakailanganin pang dagdagan ang empleyado.
May mga negosyo na rin na nagbukas sa panahon ng pandemya na kinakinakailangan pa rin ng empleyado. Kung titingnan nitong nagsimula ang covid-19 marami ang nawalan ng trabaho, nagsara na negosyo at humina ang operasyon.
Dagdag pa nito pinasalamatan ng ahensya ang mga nag-organisa ng isang Jobfair na isinagawa sa SM Mall Legazpi sa pangunguna ng City Local Government Unit of Legazpi para sa pagtutulungan na makabangon muli sa pandemya.
Sinabi ng opisyal, sa ngayon ay nasa recovery stage na ang bansa makalipas ang dalawang taon na pandemya kung saan tinitingan din ahensya kung papaano ito makakatulong sa mga naghahanap ng trabaho.