NAGA CITY- 87.9% na ng target population sa Naga City ang bakunado laban sa COVID-19.
Ito ang pagmamalaki ni Mayor Son Legacion , gayunpaman hindi aniya ito rason upang itigil na nag bakunahan bagkus mag double kayod pa para marami ang makatanggap ng booster shots.
Una nang sinabi na ito ay upang matiyak na wala nang surge upang tuloy-tuloy na ang mga aktibidad sa Peñafrancia Festival.
Kasabay ng anunsyong ito pinasalamatan ng alkalde ang mahigit 800 na mga volunteers na hindi nagdalawang isip na magsilbi at magbakuna.
Sa huli hangad ng opisyal ang patuloy na pagsunod sa health protocols upang tuloy-tuloy ding zero active case sa Heart of Bicolandia.