49 dengue cases naitala sa loob ng 2 linggo sa Camarines Sur; twice a week na search and destroy iminungkahi ng DOH

NAGA CITY- Dalawang beses sa loob ng isang linggo ang nararapat na search and destroy activities o paghahanap at pagsira sa mga paborableng pangitlugan ng lamok.

Ito ang rekomendasyon ng Department of Health Camarines Sur, matapos ang namominitor na pagtaas ng kaso ng dengue sa ilang bahagi ng bansa.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Ayon kay DOH Provincial Officer Dr. Millena dapat sana ay ipinagpatuloy ang province-wide regular simultaneous cleanup drives at intensified dengue preventive measures simula 2019.

Sa record ng DOH-Bicol  mula Mayo 22 hanggang Hunyo 4, 2022 umabot sa 77 ang kaso sa Bicol, kumpara noong 2021 na mayroong 23 sa parehong period.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Sa huling tala,  49 ang nairecord sa buong Camarines Sur na pinakamataas sa Region 5, noong Abril 30 naman sinabi na mayroong 4 kaso ng Japanese Encephalitis partikular na sa  Bula, San Jose, Lagonoy at Minalabac.