Naga City may dagdag na school building

NAGA CITY – Nadagdagan nanaman ang school building sa Naga City.

Sa pangunguna ni Mayor Nelson Legacion, kasama ang iba pang opisyal, nai-turn over na ang dagdag na apat na storey building na may 16 na silid sa dalawang pampublikong paaralan sa Naga City na mula sa Security Bank Foundation and Incorporated kapartner ang Ateneo de Manila University.

Dalawang palapag na may 10 silid para sa Camarines Sur National High School na nasa Barangay Liboton, at dalawang palapag na may 6 na silid naman para sa Naga City School of Arts and Trades na nasa Barangay Sabang.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Sa panayam kay Dr. Sulpicio Alferez, Principal ng Cam. High, sinabi nitong malaking bagay ito para sa kanilang paaralan sa dami ng estudyante.

Isa pa, nabawasan kasi main campus dahil ang ilang pasilidad ay deklaradong hindi na ligtas dahil sa may kalumaan na rin ito.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Laking pasasalamat naman ng Lokal na Pamahalaan para sa ganitong mga programa na galing mismo sa pribadong sector.

Ayon kay Mayor Legacion, limang paaralan na rin sa lungsod ang napagawan na rin nila ng mga silid at marami pa aniya ang dapat na idadagdag at gagawin.