Nagpapatuloy ang whaleshark conservation program ng World Wide Fund Philippines sa bayan ng Donsol.
Ito ang kinumpirma ni WWF-Philippines Program Manager Jun Narvadez sa pakikipagpanayam ng Brigada News FM Sorsogon.
Ayon ditto, isa umano sa mga ginagawa nila sa ilalim ng programa ay ang pagmonitor sa mga butanding na nagagawi sa karagatang sakop ng Donsol.
Dito umano ay kanilang kinukuhanan ng larawan ang magkabilang panig ng katawan ng nasabing mammal upang kanilang maidokumento ang mga ito.
Ito ang kanilang pamamaraan upang malaman kung ang nasabing gentle giants ay dati nang nagpupunta sa ugar o baguhan.
Ang nasabing aktibidad ay taon taon nilang ginagawa at ngayong taon ay 43 mga butanding ang kanilang nadokumento kung saan 16 mula sa nasabing bilang ay mga bagong salta sa nasabing lugar.
